Thursday, November 17, 2011

Keep The Faith

Grabe. Malapit na ang board exams. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin kong paghahanda para sa dalawang araw na iyon. Aside sa simulan ang regular na Kegel's Exercise nang huwag maging hyperactive ang bladder ko, feeling ko marami pa akong hindi nababasang libro.
Kasi naman, habang padami ng padami ang nababasa kong libro at mga old board exams na sinagutan at chineck, mas lalo namang nababaklas itong right eye ko. Gore ba pakinggan? Pasensya na. I mean, naluluha kasi ako pag nagbabasa. Kaya yung eyelid ko nagiging dry and cracked. Tama ba naman yung napagsabihan ako one time nang normal voice lang, (pero feeling ko lang nka megaphone sya dahil talagang naconscious ako) .. Hala, Doll! Is that an infection? Parang gusto kong irewind ang sinabi nya at i-set iyon sa MUTE. At syempre ang sabi ko, Of course not, na-irritate lang yan, mejo marami rin yung binasa kong review materials eh. At totoo naman iyon. Ilang libong practice tests, plus 1000 previous board exam questions, at di mabilang na pages ng ibat ibang libro na ang nabasa ko.
Di ko naman sinasabi na nasa paramihan ng review materials ang sukatan ng pag-study. It's how you learn from them... at syempre kung paano mo ito i-aapply sa actual exam questions. Tama diba? Pero alam nating lahat na madaling sabihin iyon kesa gawin.
Ah basta. Gagawin ko lang lahat ng makakaya ko at si Lord na ang bahala sa lahat ng mga hindi ko kaya. Marami-rami rin ito. Kaya nga sa Kanya ko na ipapaubaya dahil di hamak namang mas magaling siya sa akin.
Kumbaga, TAG-TEAM kami ni Lord sa December 18 at 19. Hindi ako nag iisa at mas lalong hindi ko na kailangang solohin ang lahat ng worries sa mundo. Knowing that, solve na ako. :))
 

4 comments:

  1. HAHAHAHA. tama talaga yan dollylove:)) *inspired.

    ReplyDelete
  2. haha. yaay! :)) kitakits later xejjy! <3

    ReplyDelete
  3. hahahaha. ABSENT AKO, dolly! LOL. Un ang inspired. HAHAAHAHA

    ReplyDelete
  4. SIGE LANG!! im sure nakapagstudy ka in your own way. :)

    anyways. 1 hour lang man pud ko didto. 30mins late ko tapos isa ra pud ka ratio. haha.

    ReplyDelete