Saturday, November 26, 2011

100 Things About Me Part 2/5

Here's my 2nd set of 20 :))
21. Matapos mapanood ang Asteroid movie noong 1997, pinangarap ko ang maging isang astronaut. haha.
22. Takot ako sa dilim. (awoo. :c )
23. Ayokong naka-expose ang mga paa ko habang natutulog. Feeling ko hindi ako safe sa mga mumu.
24. coffee + chocolate drink = PERFECT!
25. Hindi naman ako mapili sa pagkain. Di ko lang talaga kayang lunukin ang OKRA.
26. Ma-chika at ma-PR ako. Pero tinatablan rin naman ng intimidation minsan. Dapat rin kasi nasa lugar.
27. Naka AUTO-SMILE mode ako. :))
28. Ayoko sa mga taong maingay lalo na maling oras at mejo mahangin pa ang content and delivery.
29. Mababaw ang luha ko pero nakakaya ko namang idelay.
30. Na-try ko na ang umiyak habang naglalakad sa gilid ng kalsada at hallway ng school. Parang artista lang. hahaha.
31. Mahilig akong makinig sa mga problems and experiences ng iba. In a way nakakapag reflect ka rin sa sarili mo.
32. Mahilig ako sa mga bagay na nice and cheap. :))
33. Lumaki kaming hindi nanghihingi ng maluhong bagay sa parents namin.
34. Right-handed ako.
35. Pag nasa loob ng CR, automatic na akong kumakanta.
36. Mahilig akong magsulat.
37. Suncellular ang network na gamit ko.
38. Malilimutin ako sa mga bagay. Long-range naman ang memory ko sa mga tao.
39. Ang mga kantang gustong-gusto ko, namememorize ko ang lyrics kahit di sinasadya. hehe.
40. May SP na ako noong 2009 pa lang pero hanggang ngayon hindi parin ako marunong magdrive. Amazing ba? hahah.

Thanks for reading! :))

2 comments: