Friday, November 18, 2011

Super Mom! :-)

GGB ako today. Study mode.

Nahinto lang nung pinakiusapan ako ng nanay ko na hanapin ang PRC License niya sa mga bag na ginamit niya noon.

Walang card. Paalis na si mader para sa isang meeting. Kaya dali-dali akong pinagawa ng Affidavit of Loss.

Pagkasara ng gate, may narealize ako.

Wala akong karapatang gamitin ang GGB word sa aking sarili. HAHA.

Ang post na ito ay para sa nanay ko...

  • Na kayang maglagay lipstick, magsuklay ng buhok, mag text at tumanggap ng tawag sa cellphone habang nagda-drive ng sasakyan.
  • Na chini-chika ang sinumang makasabay sa bangko, supermarket, simbahan o saan man.
  • Na takot tumawid ng kalsada.
  • Na sobrang energetic, hindi ko pa naririnig sa kanya na pagod siya o tinatamad.
  • Na sobrang kinukulit kami kahit na 10PM na dahil hindi pa kami nakakapag Rosary.
  • Na naglalagay pa ng lipstick bago matulog. (no mirror needed ito)
  • Na sa tuwing may gathering at nagkakayayaang mag Videoke, unang-una nyang kinakanta ang PARA SA AKIN ni Sitti Navarro.
  • Na lagi-lagi, 100 ang score niya dito.
  • At paulit-ulit, "nagugulat" siya na para bang chamba lamang ang score na iyon.
  • At hindi namin kayang maging accomplice sa dramang ito dahil lagi naming binubulgar na EXPECTED na ang score na iyon, na siyang dahilan kung bakit iyon ang kanyang FIRST CHOICE. (lol!)
  • Na kapag nanonood ng drama sa TV o sine, ay mas nauuna pang umiyak kesa artista.
  • Na gustong-gusto kaming isama buong pamilya sa trip abroad. (yaaay!)
  • Na hindi mapakali kung hindi niya napapa-snacks ang kasama niyang tao pag dumating na ang 3pm.
  • Na super takot sa daga (LIVE MAN O VIA MEDIA)
  • Na bumili ng 3 pares ng magkakatulad na sandals, damit at suklay (lahat in 3 different colors) dahil cute daw iyon at naeemphasize ang pagiging sisters namin ng tatlo ko pang kapatid na babae.
  • Na ang pasensya ay mas mahaba pa sa San Juanico Bridge.
  • Na hindi mahilig sa accessories maliban sa wristwatch at shades.
  • Na hindi maluho sa anumang bagay.
  • Na magbibirthday bukas. :))
Para sa Nanay ko na sobrang sweet, mabait at friendly, maganda at lahat na.
Para sa Nanay ko na sobrang idol namin.

Happy Happy Birthday Mama! We love you so much! :))


2 comments:

  1. Hala uyyy! Supermom jud dollytot! Namiss na nako sa inyoha. HAHAAHAHA. unta nextyear vacation na kay dira ko matulog. LOL.


    Hay kanang videoke na 100 ang score kay amazing jud. HAHAAHAHAHA

    ReplyDelete
  2. We miss you too here xejjy! Sad to say, (haha), ang mga visitors na dri kay classmates ni darla, johan and honey. wala na koy visitors! haha. si gilbert nalang. LOL. :)) OO diri jud ka matulog. kung mkaanhi kag davao IT'S A MUST na makatmabay ka diri. LOL. <3

    haha. lagi. standard na naxa nga score basta kato nga song. try mo gud. haha :))

    ReplyDelete